Saturday, May 12, 2012

Sa aking ina at sa lahat ng ina sa mundo..,


Nung medyo bata pa ako (bata pa rin kasi ako ngayon ^_^) hindi ko maintindihan bakit kailangang pukpukin ako ng nanay ko sa pag-aaral, kung bakit napakahigpit nya pagdating sa pagpapaalam kong umalis ng bahay, kung bakit ang hirap humiling ng luho sa kanya, kung bakit kapag may sakit ako nagagalit pa rin sya sa akin, at kung bakit napakarami nyang pangaral sa akin na minsan ay paulit ulit pa? Ngayong ina na ako, naintindihan ko na ang lahat…
  • Kung hindi ako pinukpok ng nanay ko sa pag-aaral, hindi siguro ako makakapagtapos sa pag-aaral at magiging matagumpay sa pinili kong propesyon.
  • Kung hindi nya siguro ako hinigpitan noong kabataan ko, pariwa na siguro ang buhay ko ngayon at baka may hindi naging magandang nangyari pa sa akin. At dahil nasa ibang bansa ang tatay ko naintindihan ko na mas naging malaki ang responsibilidad nya sa akin dahil kailangan nya ako protektahan at alagaan para sa pag-uwi ng ama ko ay maayos pa rin ako.
  • Kung ibinigay nya siguro lahat ang luho sa akin marahil hindi ko alam ngayon ang kahalagahan ng pagtitipid at pagpapahalaga sa pinaghirapan kong pera.
  • Napakasakit sa isang ina na makita ang anak nyang nahihirapan lalo na dahil sa karamdaman... na ang pagalit at inis nya ay dahil hindi nya pwedeng ipakita na mahina sya sa panahon na nanghihina ka.. alam ng isang ina na sya ang pinagkukuhanan mo ng lakas kaya ipinakikita nya sa harap mo na kaya nya ang lahat.
  • At ang paulit ulit nyang mga pangaral sa akin ang naging dahilan kung bakit lumaki akong may takot sa Diyos at may malasakit sa kapwa.
Sa totoo lang, habang sinusulat ko to naiiyak ako kasi ngayon alam ko na lahat..naiintindihan ko na lahat. Alam kong hindi ko kayang maging katulad ng aking ina..dahil nagiisa lang sya. Simula pagkapanganak ko at ng aking mga kapatid, wala na syang pahinga sa pag-aaruga sa amin. Kahit ngayon na may asawa na ako hindi pa rin sya tumitigil sa pag-alaga sa akin. Isang mapagtiis, maunawain, mapagmahal at maalalahanin na asawa.
Hindi man kita madalas mayakap at masabihan ng I love you, alam kong ramdam mo na mahal na mahal kita. I love you mommy ko! Hindi man ako maging katulad mo.. sisikapin kong maging mabuting isang ina sa anak at asawa ko.
Tunay na mahirap ngunit masarap ang maging isang ina… at lahat ng iyan pinagdadaanan at pagdadaanan ko pa! =)
Sa nanay ko, byenan ko, at sa lahat ng ina sa mundo..HAPPY MOTHER’S DAY! saludo ako sa inyo!  ^_^