Saturday, June 23, 2012

What goes around, comes around


Pinagisipan ko ito ng maraming beses.. ipa-publish ko ba ito o hindi? I don’t know what other would think or say… but nevertheless… I don’t care! I need to publish this!

Magpopost sana ako sa facebook ng tungkol sa nangyaring sunog sa Baste. Magpapasalamat sana ako sa mga tumulong at nagdasal (ng taos sa puso), ikukuwento ko sana ang pakiramdam ng naandon ka habang nasusunog ang institusyong minahal mo na ng labing dalawang taon. Pero di ko na ginawa. Bukod kasi sa marami ng nagpost ng ganyan, mas napagtuunan ko ng pansin ang mga bagay na nagkaroon ng koneksyon sa sunog na yun.

Anong koneksyon ang tinutukoy ko? Yung magdesisyon akong wag ng maging full time na teacher. Ngayon siguro pwede kong sabihin na hindi ako nagsisisi sa desisyon ko. Pero hindi ko rin sinasabi na pinagsisisihan kong naging teacher ako. Siguro ang tanong mo, “o e anong konek nito sa sunog?” Kanina kasi may nagmessage sa akin sa fb, kung nabasa ko ba daw yung pinost ng isang studyante about sa pagkakasunog ng baste? Sabi ko hindi, kasi naka hide yata mga post nya sa akin. Well, to cut the story short, nakita ko mga post at tweets nya. Sa totoo lang hindi man patungkol sa akin yun, nasaktan talaga ako. Bukod sa natuwa pa sya na nangyari yung sunog, dahil lang sa galit ng studyante na yun sa guro nya eh pinagdasal nya at pinanghinayangan nya na hindi pa napasama sa sunog.  (Kung ginagamit ko lang twitter account ko di ko siguro mapipigilan sarili kong mag tweet back ng “bitter ka te?!!”)

Nung nabasa ko lahat ng sinabi nya napaisip ako, pano kung para sa akin yun? Hindi ko palalampasin yun malamang… pero maipaglaban ko  man sarili ko, nasaktan na ako at nagkaroon na ako ng kaaway. Isa sa dahilan kung bakit ayoko na magturo ay dahil unti unti na akong hindi nakakasakay sa kung ano ang ugali ng mga kabataan ngayon. Hindi siguro dahil matanda na ako para sa kanila, marahil marami na sa kabataan ngayon ang hindi alam ang salitang “RESPETO”.  Ayoko na ng may hindi nakakaintindihang studyante.. ayoko na rin ng may sumasama ang loob sa akin dahil gusto kong itama ang pagkakamali nila. Sawa na rin akong makarinig o makabasa sa evaluation ng mga bagay na hindi naman totoo tungkol sa akin. I guess I have reached my saturation point. At ayokong dumating sa punto na may magpost sa fb or tweet sa twitter na isinusumpa or tinatawag akong bitch or demonyo! Dahil malamang korte ang kahantungan naming dalawa!

Uulitin ko lang ang sinabi ko kanina, HINDI ako nagsisisi na naging guro ako. Nagkaroon man ako ng mga hindi magandang karanasan at nagsawa man ako sa maraming bagay, marami pa rin ako ikinasaya sa pagiging guro ko. Marami akong nadevelop para sa sarili ko,nagamit at napalawak ko ang kaalaman ko kumbaga. Marami man akong di nakasundo, mas marami naman (sa tingin ko) ang nagmahal at nakaappreciate sa akin ng lubos.  

Ang konek ng lahat ng ito sa sunog: ng dahil sa sunog nay un, lumabas ang tunay na kulay ng ibang mga studyante ng baste… may mga totoong nagmamahal sa Baste (kasama na marahil ang mga taong nagpapatakbo dito), at may mga walang utang na loob na pagkatapos alagaan ng Baste ay sinuklian pa ito ng kabastusan.

Alam kong nababasa mo lahat ng ito.. panindigan mo sana lahat ng sinabi at ginawa mo.