Pinagisipan ko ito ng maraming beses..
ipa-publish ko ba ito o hindi? I don’t know what other would think or say… but
nevertheless… I don’t care! I need to publish this!
Magpopost sana ako sa facebook ng tungkol sa
nangyaring sunog sa Baste. Magpapasalamat sana ako sa mga tumulong at nagdasal
(ng taos sa puso), ikukuwento ko sana ang pakiramdam ng naandon ka habang
nasusunog ang institusyong minahal mo na ng labing dalawang taon. Pero di ko
na ginawa. Bukod kasi sa marami ng nagpost ng ganyan, mas napagtuunan ko ng
pansin ang mga bagay na nagkaroon ng koneksyon sa sunog na yun.
Anong koneksyon ang tinutukoy ko? Yung
magdesisyon akong wag ng maging full time na teacher. Ngayon siguro pwede kong
sabihin na hindi ako nagsisisi sa desisyon ko. Pero hindi ko rin sinasabi na
pinagsisisihan kong naging teacher ako. Siguro ang tanong mo, “o e anong konek
nito sa sunog?” Kanina kasi may nagmessage sa akin sa fb, kung nabasa ko ba daw
yung pinost ng isang studyante about sa pagkakasunog ng baste? Sabi ko hindi,
kasi naka hide yata mga post nya sa akin. Well, to cut the story short, nakita
ko mga post at tweets nya. Sa totoo lang hindi man patungkol sa akin yun,
nasaktan talaga ako. Bukod sa natuwa pa sya na nangyari yung sunog, dahil lang sa
galit ng studyante na yun sa guro nya eh pinagdasal nya at pinanghinayangan nya
na hindi pa napasama sa sunog. (Kung
ginagamit ko lang twitter account ko di ko siguro mapipigilan sarili kong mag
tweet back ng “bitter ka te?!!”)
Nung nabasa ko lahat ng sinabi nya napaisip
ako, pano kung para sa akin yun? Hindi ko palalampasin yun malamang… pero
maipaglaban ko man sarili ko, nasaktan
na ako at nagkaroon na ako ng kaaway. Isa sa dahilan kung bakit ayoko na
magturo ay dahil unti unti na akong hindi nakakasakay sa kung ano ang ugali ng
mga kabataan ngayon. Hindi siguro dahil matanda na ako para sa kanila, marahil marami na sa kabataan ngayon ang hindi alam ang salitang “RESPETO”. Ayoko na ng may hindi nakakaintindihang
studyante.. ayoko na rin ng may sumasama ang loob sa akin dahil gusto kong
itama ang pagkakamali nila. Sawa na rin akong makarinig o makabasa sa evaluation
ng mga bagay na hindi naman totoo tungkol sa akin. I guess I have reached my
saturation point. At ayokong dumating sa punto na may magpost sa fb or tweet sa
twitter na isinusumpa or tinatawag akong bitch or demonyo! Dahil malamang korte
ang kahantungan naming dalawa!
Uulitin ko lang ang sinabi ko kanina, HINDI
ako nagsisisi na naging guro ako. Nagkaroon man ako ng mga hindi magandang
karanasan at nagsawa man ako sa maraming bagay, marami pa rin ako ikinasaya sa
pagiging guro ko. Marami akong nadevelop para sa sarili ko,nagamit at napalawak
ko ang kaalaman ko kumbaga. Marami man akong di nakasundo, mas marami naman (sa
tingin ko) ang nagmahal at nakaappreciate sa akin ng lubos.
Ang konek ng lahat ng ito sa sunog: ng
dahil sa sunog nay un, lumabas ang tunay na kulay ng ibang mga studyante ng
baste… may mga totoong nagmamahal sa Baste (kasama na marahil ang mga taong
nagpapatakbo dito), at may mga walang utang na loob na pagkatapos alagaan ng Baste
ay sinuklian pa ito ng kabastusan.
Alam kong nababasa mo lahat ng ito..
panindigan mo sana lahat ng sinabi at ginawa mo.
No comments:
Post a Comment